Mga Intelektuwal na Apulitikal

Isang araw
ang mga intelektuwal na apulitikal
sa lupa kong tinubuan
ay uusigin
ng karaniwang
tao
ng ating bayan.

Sila’y tatanungin
kung ano ang kanilan ginawa
nang ang kanilang bansa’y dahan-dahang
natupok,
tulad ng marikit na apoy
munti’t nag-iisa.

Hindi sila tatanunging
tungkol sa kanilang mga damit,
o tungkol sa kanilang mahahabang
siyesta
matapos manghalian,
o tungkol sa kanilang baog
na pakikibaka sa kawalan,
o tungkol sa kanilang ontolohikong
pamamaraan
ng pagkakaroon ng kwarta.
Hindi sila uusisain
tungkol sa mitolohiyang Griyego,
o tungkol sa pagkasuklam
nila sa sarili
nang sa kalooban nila’y may
nagsimulang mamatay ang kamatayan ng duwag.
Hinding-hindi sila tatanungin
tungkol sa kanilang walang katuturang
pangangatwiran
na sumibol sa anino
ng ganap na kasinungalingan.

Sa araw na iyon darating
ang mga karaniwang tao,
ang mga hindi nagkapuwang
sa mga libro at tula
ng mga intelektuwal na apulitikal,
pero araw-araw na nagdala sa kanila
ng gatas at tinapay,
itlog at torta,
ang nagsulsi nga kanilang mga damit,
ang mga nagmaneho ng kanilang mga kotse,
nag-alaga ng kanilang mga aso’t hardin
at naglingkod sa kanila,
at itatanong ng mga ito:
“ano ang ginawa niyo ng ang mga dukha
ay nagdurusa, nang natupok ang kanilang dibdib
ang lingap at sigla”

Mga intelektuwal na apulitikal
sa bayan kong hirang,
wala kayong anumang maisasagot.

Lalamunin ng isang buwitre ng katahimikan
ang inyong mga lamang-loob.
Ngangatngat sa inyong kaluluwa
ang sarili ninyong kahihiyan,
at kayo’y mapipipi,
suklam na suklam sa inyong sarili.


Otto Rene Castillo

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. Regina says:

    kala ko u originally made this one,..daw ikaw man bi mag-sulat…. but nami gha!

  2. Jorge Parker says:

    igo ka ba? aw ah! STP lang ta ya gha asta sarangan ta ah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s