Mahal ko ang bayan ko kaya KIKILOS ako!

Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kung gawin upang ipamukha sa buong mundo kung gaano ka bulok ang sistema nito. Lahat na ‘ata ng paraan na kaya ko nagawa ko na; nag-rally, nakipag-away, nagpaintindi, sumulat, nags-status sa facebook at kung ano-ano pang bagay na pakiramdam ko nakapagpalabas ng mga sentimyento ko sa mundo, sa sistemang ginagalawan ko. Pero bakit tila napakamanhid nito? Tila hindi ito nakikinig, hindi namamansin at patuloy pa rin sa pagtapak sa iba’t ibang karapatang dapat ay tinatamasa ko, tinatamasa natin.

Ang sakit-sakit sa pakiramdam.
Nakakadurog ng puso ang isiping nagpapa-alila ang mahal kong bayan sa mga imperyalistang gahaman.
Ouch!
Mas pinili pa nitong isakripisyo ang interes taong-bayan para sa pakinabang ng iilang nasa kapangyarihan. Oo nga’t nakatira ako sa Pilipinas; Pilipino ako, ngunit sa halip na paglingkuran ang bayan ko at ang sambayanang Pilipino, itinutulak akong talikuran ito, pinipilit akong iprograma sa sarili kong US ang boss ko, US ang nagpapagalaw ng bayan ko, US ang panginoon ko. Sa gusto ko man at sa hindi wala akong magagawa dahil tuta ang mga namumuno sa bayan ko.
Ouch ulit!
Pero hinding-hindi ko isasapuso at isasagawa ang mga di-makabayang gawain tulad nito dahil alam kong hindi ito tama at hindi diwa ng isang Pilipino!

Ang sakit talaga no?
Parang nagbreak lang kami ng taong pinakamamahal ko at ipinagpalit sa isang taong hindi naman siya mahal, taong mapanlamang at ang tanging hangad ay huthutan ito; ubusin ang yaman at linlangin hanggang sa magsawa. Dahil sa pag-aakalang ito’y para sa kabutihan, nabulag sa isang pag-ibig na tila wala namang laman at sa huli ay siya rin ang maiiwan at tanging masasaktan.

Ngunit higit sa sakit na mararanasan ng mahal ko’y mas ako ang lubhang maapektuhan dahil alam kong ang pekeng pag-ibig ay walang patutunguhan. Nagsasayang lamang siya ng oras sa isang taong walang paki-alam, taong huwad at mapanlinlang.

Alam kong ako lang ang tunay na nagmamahal sa kanya kaya’t hanggang ngayon martyr parin akong lumalaban para maibalik ang pagmamahal niya. Gagawin ko ang lahat para makuha ang pagtingin na dati’y para sa akin lamang.
Alam kong ako ang mas mahal niya at ngayo’y nagbubulag-bulagan lamang.
Alam kong ako ang mas mahal niya dahil ako lang ang may alam ng tunay niyang ikabubuti.

Mahal ko ang bayan ko, kaya’t hanggang ngayon ay ipinaglalaban ko ang karapatan ko.

Mahal ko ang bayan ko at dahil diyan ipaglalaban ko ang karapatan kong mag-aral at maglingkod sa sambayanan!

Mahal ko ang bayan ko kaya’t ililigtas ko siya sa mga buwitre at uwak!

Mga kaibigan, sumama na sa pambansang kilusan.
Tumayo at huwag magtulog-tulogan!
Mamulat at huwag magbulag-bulagan!
Kabataan, tayo ang pag-asa ng Bayan; Karapatan, Ipaglaban!


source: http://www.facebook.com/#education4all

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. Mark says:

    Hi, we promote the same cause, please visit my website at http://www.bayankoito.com and let me know what you think

  2. Jorge Parker says:

    Thank you for dropping by and for the comment. I visited your site but it was not available. Maybe I could visit it next time instead. πŸ™‚ Serve the people.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s