Epicness-cheness.

Since no campaigning tonight, I will omit anything that says Vote for something. I just wanna post here in my blog what is the context of my speech in case some people (who happens to visit here) missed it.

Sa dinami-dami po ng isyung kinakaharap ng mga estudyante hindi po natin kailangan ng mga trapo sa student council. Hindi po natin kailangan ang mga lider-estudyante na nagsusulong lamang ng kanilang kapakanan, ng pansariling interes at mga anti-student policies upang i-promote itong “effective change” na questionable naman po in form and in essence.

Bilang tumatakbong USC Representative, maaring maitanong po natin kung ano po ba yung functions nito. Kung ang USC po ba ay dapat magbulag-bulagan, kung sila po ba ay dapat magbingi-bingihan, tahimik buong taon at lumalabas lamang pag eleksyon.

Kami po ay naniniwala na ang USC po ay dapat active at rumeresponde sa pangangailangan ng mga estudyante. The USC as the highest representative of the students in the university connected to the Office of the Student Regent conducts activities for the students. Kagaya na lamang po ng mga traditional activities like Pahampang, Hinugyaw mga foras at seminars.

However, hindi po limited sa ganitong activities ang role ng USC. Ang USC po dapat ang nangunguna sa pagsulong ng isyus ng mga Iskolars ng Bayan kagaya po ng paglaban sa Tuition and other fees increase, Bracket Sliding at other Exorbitant Fees, ang USC po dapat ang nangunguna sa pagvoice out ng rights ng mga driver ng BSUP-TODA, mga vendors sa UP at ng Union Workers.

May haka-haka pong kumakalat na naging “invisible” daw po ang USC. Kami po ay mariing naninindigan that the USC has been hard working whole academic year. In the first place hindi po tayo magkakaroon ng activities if not. Bago po tayo mgkaroon ng activities ay kumo-coordinate po ang admin sa USC as student representatives. Kung nabasa po natin ang Year-end Report ng USC ay makikita po natin nga more or less 50 activities ang na-held at naging host ng dalawang National Activities po kagaya na lamang ng natapos na GASC na nabahiran na nga po ang integrity dahil sa scandal na nangayari at sumira ng pangalan ng Miagao sa buong UPSystem. Breakthrough din po na dahil sa efforts ng USC ay nagkaroon ng selection process ang next OSA Director. Sa ganito pong paraan ay may part na po ang mga estudyante sa pagpili ng liderato sa OSA.

So napaka-unfair naman po sa part ng USC na sa kabila ng hardwork nila ay igegeneralize na natin na invisible dahil sa opinion ng iilan. Maari na epekto lamang po ito ng misinformation o ng lack of the participation of THAT students.

Kaya nga po kami sa USC as part of our General Program of Action ay isinusulong ang pagbuo ng COUNCIL OF STUDENT LEADERS. Ito po ay lupon nga mga student organizations with commitment to the council para i-carry out po yung activities ng USC. Hindi lamang ito limitado sa student orgs kundi sakop din po nito ag mga academic orgs para po ma-consolidate ang governors at para po mastreghten natin yung relationship natin sa mga student-leaders as well as our constituents.

One way to ensure attendance also is through incentiving the activities. Nasimulan na po last CAS week ang pagbibigay ng incentives slips sa mga estudyante at ipagpapatuloy po ito ng USC para po magbigay sa estudyante nga isang deserving activities with no worries about their academics. Maisisiguro din po natin na sa ganitong paraan dadami po ang students na pupunta sa mga student consultations to likewise ensure democratic governance. Makaasa na din po tayo na magiging successful ang activities ng student council.

Kami po ay ayaw na ayaw ng letrang P.
Mayron po tayong 3 sets ng Ps.
3Ps, 4Ps at 5Ps.

3Ps po o Public Private Partnership dahil po kino-commercialized po nito ang public services at unti-unti na pong kinukuha sa estado ang obligasyon na tugunan ang pangangailang ng masang Pilipino.

Pangalawa ay 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na direktang nagbibigay ng pera sa mga pamilya. Hindi po natin kailangan ng limos, kailangan po natin ng trabaho at national industries for economic progress.

At HIGIT sa lahat ayaw na ayaw po namin ang 5Ps. Eto po yung mga student leaders na hindi tayo ni-rerepresent sa assemblies. Sa halip Pungko, Pamati, Pamahaw, Palakpak, Puli lang ang gina-ubra. Kagaya ng ginawa ng ilang student representatives sa GASC last december and to think pera ng pamantasan ang pinangtustus sa kanila.

WE DON’T NEED TRAPO LEADERS. WE DON’T NEED LEADERS WHO ONLY WANT FAME AND CREDENTIALS. WE NEED LEADERS WHO COULD GET OUT OF THE FOUR WALLS OF OUR CLASSROOMS WITH CONCRETE ACTIONS TO GENUINELY FIGHT FOR OUR RIGHTS.

HINDI PO AKO US, NEVER DIN PO AKO KAHIT NAGING CS.
Lalong lalo ng hindi po ako Ambassador, dahil ako po ay AMBASSADRESS.
Ambasaddress of the people inside this university to Arouse, Organize, and Mobilize students to serve them, to serve the Filipino Society.

Wag po tayong magpadala sa sweet talks, wag po tayong magpadala sa gimik ng iba. Election is not a carnival na kung sino lamang yung maganda, kung sino yung mabango, kung sino yung magaling magsalita at kung sino ang
sikat yung ating pipiliin. Let us be critical voters.

Vote for PRINCIPLES not PERSONALITIES.

[fbshare]

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s