Nung nag-summer ako sa Diliman…

Sige, magtatagalog ako. Minsan lang naman to eh, total bukas ay lilisanin ko na rin naman ang napakalawak na paaralang to.

Ano nga bang nangyari? Masaya ba? Malungkot? Ano? Di ko maintindihan kaya idadaan ko nalang sa Nung Freshie ako style, total usong-uso naman ngayon.

Ok, nung nag-summer ako sa Diliman…

-Akala ko araw-araw my FUN RUN. Tengene, kahit malakas yung buhos ng ulan, meron pa ring mga punyetang nagsisipagtakbuhan. ODK! Wala ba kayong concern sa kalusugan niyo?

-NagTAXI kami galing CAL papuntang CS. Lalakarin lang pala dapat, inikot-ikot namin halos buong school yun pala sa likod lang yung street. SHET ha!

-Naging bestfriend ko si Jollibee, pagbalik ko sa Iloilo ayoko munang makakita ng Jollibee foods.

-Mukhang snobs yung mga SAs sa Registrars’ Office, nabwisit ako nung registration.

-Kalayaan ang inaplyan kong dorm, di pala pwede dun. Hehehe.

-Tatlong beses kaming pinagalitan ng mga taxi drivers. Una nung di namin alam papuntang Alumni Hostel, pangalawa di namin alam yung Sampaguita Res. Hall at pangatlo nung sumakay kami galing SM North. Eh, kayo na nga yung nakaka-benefit nun eh, ba’t galit kayo?

-Di ako nakakain ni minsan sa KNL, Mang Larry’s at Area 1 and 2 (teka meron ba talaga nun?)

-Tinetextmate ako nung Aling Belen’s Kainan na number. Nagtext po kami para kumain, di para mgtext kayo nung mga quotes.

-Nakita ko ang aking one true love (kamukha lang), yung classmate ko.

-Nag-essay sa finals na hindi ko talaga alam yung sagot. What are two recurring phenomena based on fossils blah blah? Me, I really don’t know. Maybe LIFE and DEATH. Hahaha. Tangene!

-Nakasagupa ng limpak-limpak na conyo! UP ang MAHAL mo na talaga!

-Nagkasakit second week ng klase.

-Nag-Mayo Uno sa Mendiola. Nagpainit ng todo-todo, inulan ng bonggang bongga.

-Nang-invite para sa KPL workshop sa Palaris.

-Umiyak dahil ininjan ng Tita, ay di pala naghintay lang ng humigit-kumulang isang oras sa isang strange na lugar. Huhuhu.

-First time kong nag-Trinoma at SM North, dati kasi South areas talaga kami.

-Nakapanood ng First Philippine Fireworks Competition Grand Finals sa Riverbanks, Marikina.

-Nawalan ng Php500 habang nagjo-jogging sa Academic Oval.

-Nagbayad ng Bracket A kahit Bracket B. Shet! Di pa ren naprocess ang refund, sige sa inyo nalang yan. Uwi na’ko eh.

-Nakita ko si BLKD. Mukang snob talaga, DELLO magpakita ka nga!!! =)

-Naging bestfriend ko ang Google Map. Thank you.

-Marami pa, sa isip at sa puso ko nalang yung iba.

Nung nagsummer ako sa Diliman, alam kong uuwi din ako. Kaya Goodbye, hanggang sa susunod na pagkakataon.

Hasta La Proxima Vez! Adios!

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. aamidala says:

    hahaha! Ka-relate ko ang sa Kalayaan!hahaha! Dira man ko nag-apply sang una, sheeeeet!hahaha. :p ay sauce! nadulaan ka 500?! Sauce! Ikaw na mayaman!hehe. nakita mo si Zorro?! ang astig nga buang bla nga naka Zorro costume?

  2. Jorge Parker says:

    huo nakita ko sya kag nrember ko nag-agi sa sa tubang ko kg naghambal, Miss mayaman ka ba? Hahaha. kadlaw ko ah!!! sikat2 na to siya te!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s